-- Advertisements --
Good News para sa mga pensioners ng Social Security System!
Mahigit P32.19-B ang pondong inilaan ng Social Security System para sa pension ngayong buwan at 13th month pay ng mahigit 3.6 milyong SSS pensioners.
Sa isang pahayag ay sinabi ni SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas na mas maaga ang paglalabas nila ng pondo bilang maagang pamasko.
Natanggap na ng unang batch ang mahigit P17.9-B halaga ng mga benepisyo noong nakalipas na buwan, ang ikalawa ay naipamahagi na noong December 4.