-- Advertisements --

Naglunsad ang Social Security System (SSS) NCR East Division ng SSS Kasambahay Caravan sa mga piling mall sa Metro Manila at Rizzal ngayong Linggo.

Layunin ng naturang Caravan na bigyang diin ang importansya ng social security coverage sa mga kasambahay ng mga pinoy employers, o ang registration ng kanilang kasambahay sa SSS at pag-remit ng monthly contributions.

Isinagawa ang Caravan sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at kalapit lugar.