-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Social Security System ang kanilang mga pensioner na naka-iskedyul na maghain ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program ngayong buwan ng Agosto.

Batay sa inilabas nitong abiso, ang kanilang mga member pensioner ay maaari nang magsumite ng compliance bago matapos ang kasalukuyang buwan.\

Layon nitong matiyak na maging tuloy-tuloy ang kanilang matatatangap na buwanang pensyon.

Paliwanag ng SSS, obligado ang lahat ng mga pensioner na maghain ng ACOP reply form at magsumite iba pang mga dokumento lalo na yung nakatira sa ibang bansa.

Required din ang mga total disability pensioners, death survivorship pensioners at maging ang mga dependent childrens under guardianship.

Kinakailangan rin na sumunod sa naturang polisiya maging ang mga 80 taong gulang pataas na pensinier na nakatira sa Pilipinas.

Para naman sa mga retirement pensioners na death- survivorship pensioners. obligado silang magsumite ng dalawang hiwalay na ACOP Reply Forms