-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng liderato ng SSS ang kahalagahan ng 1% contribution rate hike dahil madadagdagan ang benepisyo ng mga miyembro bukod na ito ay naaayon sa batas.

Paliwanag ni SSS President and CEO Robert Joseph de Claro ang pagtaas sa contribution rate hike ay mayruong long term at short term benefits sa mga miyembro.

Ito’y sa kabila ng panawagan na suspendihin muna ito.

Partikular na sinabi nito na madadagdagan ng P400 sa buwanang pension ng mga pensioner.

Inihayag ni De Claro na magkakaroon ng epekto sa mga miyembro ng SSS kapag hindi naipatupad ang contribution rate hike na 1% na epektibo na nitong January 1,2025.

Naniniwala si De Claro na ito na ang huling pagpapatupad ng SSS ng contribution rate hike.

Inihayag ng opisyal na bukas naman sila sa pag uusap kaugnay sa panawagang suspension sa contribution rate increase.

Sa katunayan nanawagan si De Claro sa mga mambabatas na suportahan ang isinusulong nilang contribution subsidy program.

Ginawa ni De Claro ang panawagan ng humarap ito sa mga miyembro ng Malakanyang Press Corps.

Naniniwala si De Claro na ang dagdag koleksiyon ng kanilang ahensiya ay magagamit sa pagpondo sa iba pang mga serbisyo na alok ng SSS partikular ang calamity loans.

Dagdag pa ni De Claro imbes na isulong ang pagsuspindi sa contribution rate hike, tulungan na lamang ng mga mambabatas na i-subsidize na itaas ang benepisyo ng mga SSS members.