-- Advertisements --
Nakikipag-ugnayan na ang Social Security System sa mga iba’t-ibang local government unit para mapalawig ang kanilang serbisyo sa mga job order na empleyado na hindi sakop ng Government Service Insurance Systems.
Sinabi ni SSS Executive Vice President Rizaldy Capulong na mayroon na silang ugnayan sa mga LGU at ilang ahensiya ng gobyerno ukol sa nasabing programa.
Dadalhin na rin nila ang kanilang serbisyo sa mga barangay level para matiyak na ang mga nasa marginalized sector ng lipunan ay may access sa kanilang serbisyo.
Ngayong taon lamang ay mayroong mahigit 1,000 na mga ahensiya mula sa provincial at barangay levels ang pumirma ng kanilang kasunduan para sa nasabing programa.