Nanawagan ang Social Security System sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers sa Singapore na mag-avail ng SSS Voluntary Provident Fund Program o mas kilala na Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus.
Ito ang naging mensahe ni Social Security System (SSS) President at CEO Rolando Ledesma Macasaet.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa ginanap na kauna-unahang SSS Kapihan sa Singapore.
Sinabi ni Macasaet na malaki ang maitutulong ng pag-iinvest sa Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus ng sa gayon ay madagdagan ang savings at pension ng mga OFWs.
Idinagdag pa nito na sa nasabing saving scheme ay maaaring maghulog lamang ng minimum na P500 ang bawat miyembro ngunit pwede po itong dagdagan depende sa kakayahan.
Kung maaalala, taong 2023 , pumalo sa P386 milyon ang nakolekta ng SSS mula sa Voluntary Provident Fund Program
Ang nasabing pondo ay mula naman sa 30,000 SSS members.