-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa umano handa ang pondo para sa salary at calamity loan.

Ito ang nilinaw ni Fernan Nicolas, media affairs head ng Social Securty System (SSS) main branch, mula Quezon City.

Ayon kay Nicolas, inuna muna ng SSS ang pagbibigay tulong sa mga small business wage subsidy (SBWS) lalo na’t sila ang may matinding pangangailangan mula nang ipinasara ang kanilang mga negosyo na epekto ng umiiral na mga community quarantines sa buong bansa.

Paliwanag naman ni Nicolas na sa susunod na linggo pa nila bubuksan ang calamity loan assistance program at maging ang salary loan.

Maliban dito, inihayag ni Nicolas na nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga empleyadong kinakaltasan ng buwanang SSS contribution sa kabila ng crisis na nararanasa sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECG) at general community quarantine (GCQ).

Aniya, tama ang pagkakaltas ng employer sa buwanang contribution.

Sa ngayon, available na ang pagkuha ng maternity at sickness benefits, kasaman na ang retirement benefits sa mga 60-anyos na empleyadong nagretiro maging ang mga nawalan ng trabaho na sumailalim sa voluntary separation ay makakakuha ng unemployemnt benefits sa SSS.