-- Advertisements --

Muling magpapatuloy ang SSS On Wheels ng Social Security System (SSS) bago matapos ang taon.

Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, mayroon 40 SSS on Wheels ang inisyal na ipakakalat sa remote areas, upang mabilis na maaksiyunan ang mga kailangang serbisyo sa SSS.

Dagdag pa nito na dahil sa digitalization na kanilang ipinapatupad ay naging mabilis na ang pagbibigay nila ng serbisyo.

Umaasa ito na sa ganitong hakbang ay lalong mapabilis at mapalapit ang serbisyo nila sa kanilang miyembro na nasa malalayong lugar.