-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Social Security System (SSS) ang lumobo pang halaga ng kontribusyon mula sa mga miyembro nito ngayong taon.

Batay sa datos ng SSS, pumalo sa P99.08-bilyong ang kanilang contribution collection mula Enero hanggang nitong Hulyo.

Ito ay labis na mataas mula sa P82-bilyong nakolekta mula sa parehong mga buwan noong nakaraang toan.

“The contributions collected from January to June 2019 surpassed last year’s actual collections of P82 billion. This is primarily due to corporate collection efforts as well as the increase in the contribution rate and in the maximum and minimum salary credit effective April 2019,” ani SSS president and chief executive officer Aurora Ignacio.

Pumalo naman sa P16.45-bilyon ang return of investments at iba pang kinita ng state-pension fund.

“Further, our investment and other income bounced back this period driven by strong and favorable market conditions.”

Tumaas din ng 8.6-percent ang nalikom ng ahensya para sa Social Security and Employee’s Compensation na umabot ng P55.70-bilyon mula sa P51.28-bilyon noong 2018.

Sa ilalim kasi nito, pasok ang benepisyo ng mga retirees at bagong pensioners na nasa 1.57-milyon na ang bilang nitong Hunyo.

Kaugnay nito, inanunsyo rin ng SSS na nakapag-disburse ang tanggapan ng P95.71-bilyong halaga ng benefits para sa higit 3-milyong miyembro at pensioners nito sa unang kalahati ng taon.

Sakop daw nito ang nakaraang implementasyon ng Expanded Maternity Leave Law at Social Security Act.

“In the first half of 2019 alone, the number of beneficiaries and claims has already posted significant growth since the implementation of new laws and policies of the administration.”

Bukod dito, nag-increase din ang benefits ng mga may kapansanan sa P3.59-bilyon; funeral benefits sa P2.14-bilyon; at sickness benefits sa P1.51-bilyon.

Habang umangat sa 4.8-percent o P28.64-bilyon ang distributed payouts para sa death claims.

“With our strong financial performance this semester, we are hoping to further strengthen the fund and ensure continued service—providing for more and more members in the future until perpetuity. We hope that more workers, especially those who are self-employed, will save with SSS by religiously paying their monthly contributions,” ani Ignacio.