-- Advertisements --
Muling nagbabala ang Social Security System (SSS) sa publiko laban sa phishing scheme na nagtatangkang mangalap ng impormasyonpara umano sa update ng membership records.
Sa inilabas na advisory, nagpapanggap na mga SSS employees ang mga sangkot sa scam at nilalapitan ang mga walang kamalay-malay na miyembro para kunin ang kanilang cellphone numbers at email address.
Nakasaad din sa advisory na hindi kumukuha ng impormasyon ang SSS sa pamamagitan ng email, SMS, phone calls o sa social media.
“These scams are attempts to compromise the security of your SSS account,” bahagi ng SSS statement. “Please remain vigilant and avoid disclosing your personal information to unverified sources.”