-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ang validity ng tseke ng Land Bank of the Philippines ng hanggang 180 araw.

Ang nasabing hakbang ay para mabigyan ng maraming oras ang mga SSS members at beneficiaries na maipalit ang kanilang pera.

Dati kasi ay hanggang 90 days lamang kaya humirit ang SSS na gawing 180 days dahil na rin sa krisis dulot ng COVID-19.

Kasama ng pinalawig ay ang mga tseke na inilabas mula Pebrero hanggang Hunyo.