Plano ng Social Security System (SSS) na tapyasan ngayong taon ang interest rate sa salary at calamity loans ayon kay SSS president at CEO Robert Joseph De Claro.
Isa aniya ito sa malalaking plano ng state-run pension fund ngayong taon para mapahusay pa ang mga serbisyo nito.
Hindi naman binanggit kung magkano ang kaltas sa interest pero sa kasalukuyan nasa 10% per annum ang charge sa salary at calamity loans sa SSS.
Ayon kay De Claro, ang mas mababang borrowing costs ay nangangahulugan na mas malaki na ang magiging loan proceeds.
Gayundin, dahil sa consistent at solid performance ng investment portfolio ng SSS napapanahon na aniya para i-revisit ang interest rate ng salary at calamity loan programs.
Maliban dito, inaasahan din ang mga karagdagang koleksyon mula sa 1-percent contribution rate hike ngayong taon, at mula sa mga pagtaas sa minimum at maximum na buwanang salary credit.