-- Advertisements --
Bumaba na sa pwesto si Social Security System (SSS) president at chief executive officer Emmanuel Dooc.
Ayon kay Dooc, lumiham na siya kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang irrevocable resignation.
Paliwanag ng SSS head, naitalaga siya sa ilalim pa ng lumang SSS charter, kaya ang tungkuling iyon ay mawawalan na ng bisa sa ilalim ng bagong charter.
Epektibo aniya agad ang pagbibitiw, kaya simula ngayon ay hindi na siya aakto bilang pinuno ng naturang tanggapan.
Una rito, hindi rin na-renew ang pagiging SSS president at CEO noon ni Dean Amado Valdez.