-- Advertisements --

Todo apela ngayon ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa mga miyembro ng Kamara na maging objective at pagbigyan na ang napipintong pagtataas ng singil sa kontribusyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni SSS President at Chief Executive Office Aurora Ignacio, kailangan na umanong balansehin ng mga mambabatas ang epekto kung maantala ang nakatakdang rate hike ngayong taon.

“At the outset, we have expressed our opposition to these proposals because of its adverse financial impact to the financial health of the SSS and jeopardize the benefits of members, pensioners and their beneficiaries. However, we support any measures that will benefit our stakeholders as long as it will prioritize the long-term sustainability of the pension fund,” saad ni Ignacio.

Sigurado umanong mahihirapan ang SSS na tustusan ang pagbibigay pensyon at iba pang benepisyo kung walang mangyayaring pagtatas ng kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Nasa P15 hanggang P100 ang buwanang rate increase ng mga employed members, samantalang nasa P30 hanggang P200 ang itataas na singil sa mga self-employed at voluntary members.

Sa mga overseas Filipino workers naman ay nasa P80 hanggang P200 naman ang magiging dagdag kontribusyon.

“The new contribution rate is just minimal. However, its impact on the SSS fund life will benefit current members and future generations. Every additional peso they will contribute can help strengthen our financial viability and allow us to fulfill our obligations to our members and pensioners in the decades to come,” anang opisyal.

Tinatayang nasa P41.37-bilyon ang malulugi sa SSS kung hindi maitutuloy ang rate hike.

“We estimated a projected loss amounting to P41.37 billion for 2021 alone. And this amount will also continue to increase annually, cutting short the SSS fund life and adding to the contingent liability of the pension fund which is already estimated in the trillions of pesos,” ani Ignacio.

“We understand that we are currently in a pandemic situation, but we are appealing to lawmakers to look into the significance and long-term impact of adjusting the SSS contributions for its 38.8 million current members and future members as well,” dagdag nito.

Batay sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, ipatutupad ang biennial 1% contribution rate hanggang 2025.