-- Advertisements --

Sinimula na ng Social Security System (SSS) ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng calamity loan para sa mga empleyado na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni SSS Spokesman Fernan Nicolas na sa loob lamang ng limang araw ay agad na maipoproseso ang mga loan sa pamamagitan ng card o tseke na ide-deliver sa mga Postal Office.

Bawat miyembro na nakahulog ng 36 months ay qualified na na makakuha ng hanggang P20,000 na calamity loan.

Paglilinaw din nito na sa online dapat mag-apply ng loan sa My.SSS at online portal ng SSS.