-- Advertisements --
Tiniyak ng Social Security System (SSS) sa publiko na walang member data records ang nadamay matapos masunog ang kanilang main building sa Quezon City.
Nasunog kasi ang bahagi ng kanilang gusali dakong ala-1:43 ng madaling araw ng Linggo.
Ayon pa sa SSS na nagsimula ang sunog sa UPS Room kung saan mabilis naman na naapula ito dahil sa nakakabit na fire suppressant system sa lugar kaya napigilan itong kumalat pa sa ibang bahagi ng gusali.
Naapula lamang ang sunog matapos ang mahigit na apat na oras kung saan tinatayang mahigit P700,000 ang damyos.