-- Advertisements --
Naniniwala ang Social Security System (SSS) na ang bagong saving schemes nila ay magkakaroon sila ng kita ng 7.2 percent sa kada taon.
Sa nasabing programa kasi ay ma-eenganyo ang mga miyembro na palakihin ang kanilang retirement fund.
Sinabi ni SSS president and CEO Rolando Macasaet na ang nasabing booster program nila ay para makaakit pa ng mas maraming mga corporate manager at executives, doctors, lawyers, overseas Filipino workers, expats, seafarers at young professionals na may malaking pangangailangan ng kanilang retirement funds.
Layon ng nasabing programa ay para mas maraming mga miyembro ang kanilang mahihikayat na makapag-invest.