-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang operasyon ng Social Security System laban sa mga delinquent employers sa bansa.

Kaugnay nito, aabot sa sampung delinquent employers ang binisita at sinilbihan ng ahensya ng ‘notices of violation’ sa Novaliches.

Bahagi pa rin ito ng Run After Contribution Evaders Activity o RACE na isinagawa ng ahensya sa naturang lugar.

Ang ginagawang pagbisita ng SSS sa nasabing bilang ng mga establisyemento ay upang paalalahanan ang kanilang mga employer na sumunod sa kanilang obligasyon sa ilalim ng RA 11199 o mas kilala bilang Social Security Act of 2018.

Batay sa datos ng SSS, pumalo sa higit P4.8 milyon ang delinquency value ng kanilang employer.

Apektado nito ang nasa 96 na empleyado mula sa bilang ng mga establishment.