-- Advertisements --

Bumalik na ang publiko sa St. Peter’s Square para dumalo sa misa ni Pope Francis.

Bagamat hindi gaanong puno ang nasabing lugar ay naging mahigpit pa rin sila na dapat magsuot ng face mask at obserbahan ang social distancing.

Ito ang unang pagkakataon na pinayagan ang mga tao na makadalo sa misa ng Santo Papa ng halos tatlong buwan dahil sa coronavirus pandemic.

Isinagawa naman ng Santo Papa ang kaniyang pagbibigay ng mensahe sa library at ito ay pinanood sa mga malalaking TV screen na nakalagay sa Basilica.

Sa kaniyang mensahe pinayuhan niya na mga mananampalataya na alalahanin ang kalikasan.

Dapat aniya isipin ng tao kung paano protektahan at alagaan ang kalikasan para maiwasan ang paglala ng climate change.