Idineklara bilang National Cultural Treasure ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang Sta. Ursula Parish Church sa Binangonan, Rizal.
Isinagawa ang nasabing pag-unveil ng markers nitong Linggo na pinangunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, NCCA Chair Victorino Mapa Manalo, NCCA Deputy Executive Director Marichu Tellano, dating NCCA Chair Felipe De Leon, Rizal Governor Ricci Ynares at Binangonan Mayor Caesar Ynares.
Kinanta rin dito ang “Missa Cantata” na gawa ni National Artist Ryan Cayabyab at ito ay tinugtog ng Coro Buenviaje habang naging conductor si Joey Soliman Jr.
Pinasalamatan naman ni Bishop Santos ang NCCA dahil sa nasabing pagkilala sa 225-taon na simbahan.
Ang Sta. Ursula Parish Church ay itinayo noong 1621 ng mga Franciscans at noong 1679 ay hinawakan ito ng mga Jesuits.
Pagdating naman ng 1697 ay inilipat ang pamamahala ng simbahan sa Augustinians at ibinalik naman sa Franciscans ang pamamahala noong 1737.