-- Advertisements --

Todo paliwanag ang ng Armed Forces of the Philipppines (AFP) na ang katatagan o stability ng Mindanao ang isa sa primary basis kaya hihilingin nila sa Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang umiiral na Martial Law sa buong Mindanao.

Ayon kay AFP spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, nagpapatuloy pa ang kanilang assessment sa ngayon.

Tiniyak nito na bago matapos ang deadline sa pagpapatupad ng batas militar ay maisumite na nila ang kanilang magiging rekomendasyon.

Kung ito ba ay ang pagpapatigil na sa umiiral na o palalawigin pa ito ng ilang buwan.

“Well the stability of Mindanao will perhaps be the primary basis of any kind of request for extension. So the assessments will be made at an opportune time before the end of the duration provided for martial law on the end of the year. That recommendation will form part of the basis for which the extension or end of martial law in Mindanao will be made. It will be submitted even prior to the deadline,” wika pa ni Padilla.

Nilinaw naman ni Padilla na walang kinalaman ang kanilang desisyon sa pagtugis pa sa halos 200 na mga Maute terrorists members na at large pa rin hanggang sa ngayon na wanted kaugnay sa madugong Marawi siege.

Sinabi ni Padilla na ongoing sa ngayon ang pagtugis sa nasa 180 na mga Maute members at sympathizers na nagtatago.

Batay sa datos ng militar nasa 120 na ang naaresto sa 300 mga terorista na kabilang sa inilabas na arrests warrants na ini-issue ng Department of National Defense (DND).

Sa 120 na naaresto 67 na ang sinampahan ng kaso.

Aniya, karamihan sa naaresto ay ang mga direct family members ng Maute.

“It means to say they are at-large na kung saan  saan pede sila mahanap, hinahanap pa rin sila. So they are still subject of search and if found and if information leads to their location then they will be arrested immediately para matukoy sila lahat at kung hindi naman talaga sila involve doon sa rebellion madepensahan nila ang sarili nila,” pahayag pa ni Padilla.