KALIBO, Aklan – Ilang araw bago ang selebrasyon ng ika-isang taon na re-opening ng Boracay, sinabi ni Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group general manager Natividad Berdandino na nasa 80 porsyento nang nanumbalik ang kagandahan ng isla matapos ang isinagawang rehabilitasyon.
Sa Oktubre 26 ay ang ika-isang taon na re-opening ng Boracay, kung saan balak ng ilang stakeholders na magkaroon ng festivities na sumasalamin sa nangungunang environmental problems sa isla sapagkat tiwala naman silang nasolusyunan na ito ng task force.
Aniya, patuloy ang pagsasaayos ng drainage system at road widening.
Samantala, nasa 30 establisyemento na lamang ang natitira na hindi pa naka-comply sa 25-plus-five meter coastal at road easement.
Patuloy naman ang kanilang pagpapaalala sa mga turista na magpa-book muna sa mga compliant hotels at resorts bago bumili ng kanilang plane tickets.
Una rito, nasa 380 accredited establishments na ang ipinalabas na listahan ng Department of Tourism (DOT) na naka-comply sa mga requirements na itinakda ng pamahalaan.