-- Advertisements --
Nahuli na ng Manhattan Police ang diumano’y stalker ni American singer-songwriter Taylor Swift matapos nitong manloob muli sa bahay ng singer.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Roger Alvarado, 23-anyos, na sinasabing binasag ang bintana at ginamit ito upang makapasok sa bahay ni Swift bandang 2:45 ng umaga.
Una ng nakulong si Alvarado matapos itong kasuhan ng pagnanakaw at criminal comtempt.
Ayon sa pulisya, mayroon nang restraining order ang suspek at naghain ito ng guilty plea.
Ngunit hindi pa ito nagsisimula sa kanyang anim na buwan na pagkakulong kung saan kinakailangan nitong sumailalim sa isang psychiatric treatment.
Takot naman ang patuloy na nararamdaman ngayon ng sikat na mang-aawit para sa kanyang sariling kaligtasan.