-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Tinututukan sa ngayon ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao na mas maging malakas pa ang stamina ng pinoy ring icon bilang preparasyon sa nakatakdang laban kay Errol Spence.
Ayon kay Pacquiao na dapat ma-develop rin ang kanyang head movements at footwork.
Dagdag pa nito na focus siya ngayon sa training dahil isang magaling rin na boksingero si Spence.
Napag-alaman na si Coach Buboy Fernandez ang kasama ni Pacquiao na nag-eensayo sa GenSan.
Una nito inihayag ni Fernandez na hindi dapat i-under-estimate si Spence dahil naghahanda rin sa laban.
Target ng Team Pacquiao na matamaan ng malakas na kamao si Spence sa unang mga rounds ng laban para maramdaman nito na kahit may edad na ang senador hindi basta basta pa rin na boksingero.