Hinahasa pa raw nang husto ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao ang ilang mga aspeto sa kanyang performance para sa nakatakda nitong laban kay WBA “super” welterweight champion Keith Thurman sa Hulyo.
Sinabi ni head coach Buboy Fernandez sa panayam ng Bombo Radyo, patuloy umano ang pag-improve pa lalo ng stamina ng “Fighting Senator,” na nasa 75% na raw.
Importante rin aniyang nakapagsanay na si Pacquiao dito sa Pilipinas lalo pa’t papasok na ito sa mas mabigat nitong build up program pagdating nila sa Estados Unidos.
Doon aniya sa Los Angeles ay dadagdagan umano ang road work at foot work ng eight-division world champion.
Ayon pa kay Fernandez, maganda umano ang takbo unang tatlong linggo ng training ni Pacquiao.
Binabalak din daw nilang itaas sa walo ang rounds ng sparring ni Pacquiao bago sila tumulak pa-Los Angeles sa Sabado.
“Sa ngayon, bale nag-sparring na tayo ng anim na round, so dalawang beses na,†wika ni Fernandez. “Then continue lang kami sa pag-eensayo araw-araw. Kailangan nating pag-aralang mabuti ang kalaban natin kasi hindi rin basta-basta ang kalaban natin.â€