-- Advertisements --

Ilulunsad ngayong araw ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang special stamps na iniaalay sa mga frontliners na nakikipaglaban sa novel coronavirus disease 2019 o COVID-19 bilang mga bayani.

Ang “Frontline Heroes Stamps” ay para bigyang pugay ang katapangan at sakripisyo ng mga frontliners.

Makikita ang makulay na larawan ng mga doctors, medical staff, police officers, delivery, supermarket at mga food personnel.

Kasabay din nito ang paglunsad din nila ng “Stamp on Wheels” isang door-to-door stamp delivery service para ang mga collectors at empleyado ay mananatili na sa kanilang bahay.