-- Advertisements --

Nagkaroon ng kaguluhan sa burol ng rapper na si Nipsey Hussle.

Mabili na rumesponde ang mga kapulisan sa labas ng clothing store ng rapper sa Los Angeles matapos na pagtakbuhan ng mga tao.

Ayon sa mga otoridad, nakarinig sila ng ingay na inakalang isang putok mula sa baril kaya mabilis na nagtakbuhan ang mga taong nandoon.

Maraming mga tao ang nasugatan dahil sa stampede at inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng kaguluhan.

Magugunitang binaril ang rapper sa harap mismo ng kaniyang clothing store.