-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Hinigpitan pa ngayon ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa mga uuwing stranded Cotabateño sa probinsya.

Para matiyak na hindi makakapasok sa North Cotabato ang COVID-19 carrier mas lalo na ngayon ang ginagawang paghihigpit ng Integrated Provincial Health Office sa pagpapatupad ng standard protocols sa Task Force Sagip ng pamahalaan.

Ito’y dahil sa patuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ng Provincial Government sa mga nastranded nitong mga mamamayan mula sa ibat-ibang panig ng bansa.

Sinabi ni IPHO Chief Dra Eva Rabaya, bago sila tutulungang makauwi dapat ay natapos na sa 14-day quarantine, magpakita ng negative test result sa kinuhang swab sample at nakumpleto ang health certificate mula sa kanilang Barangay na kung saan sila pansamantalang namalagi.

Kailangan din muna ang letter of acceptance mula sa kanilang Local Government Unit para masundo sa mga border control checkpoints. Pagkatapos, kailangan pa rin silang isailalim sa 14-day quarantine sa mga isolation facility bago makauwi sa kanilang bawat LGU.

Ngayong may natitira pang COVID-19 positive sa probinsya mas maghihigpit pa ang lahat ng frontliner upang maiwasan ang local transmission.