-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na parehas ang standard na sinusunod ng pamahalaan sa mga loan agreements sa China katulad ng loan deals sa iba pang mga bansa at maging sa multilateral institutions tulad ng World Bank at Asian Development Bank (ADB).

Sa isang statement, tinukoy ni Finance Undersecretary Bayani Agabin na ang waiver-of-imunity at arbitration clauses.

Ayon kay Agabin, ang mga probisyon na ito ay standard sa anumang loan agreement sa pagitan ng mga nagkakasundong bansa.

“These clauses are present not only in the loan agreements between the Philippines and China under the current government, but also in other loans accords entered into by previous administrations, with, among others, France, and China,” ani Agabin.

Nilinaw din nito na walang takeover na mangyayari sa mga pag-aari ng bansa dahil hindi naman daw nagpapahintulot ang pamahalaan na magkaroon ng collateral sa anumang loan agreements.