-- Advertisements --

Nakapag-secure ang Department of Finance ng standby fund mula sa World Bank na handang magamit ng Pilipinas sa panahon ng emergency o krisis.

Sa isang statement, inanunsiyo ngayong araw ng Finance department na ang paglagda sa Rapid Response Option agreement ni DOF Sec. Ralph Recto kasama ang World Bank Group (WBG).

Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na lumagda sa naturang kasunduan kasama ang naturang multilateral institution na nakabase sa Amerika.

Ang naturang kasunduan ay parte ng expanded crisis preparedness at response toll kit ng WBG na naglalayong matulungan ang mga bansa na agad at epektibong makatugon sa mga pangangailangan sa panahon ng krisis.

Pinapayagan din nito ang PH na makapag-access sa 10% ng kanilang unused funds sa International Bank of Reconstruction and Development para makatulong sa emergency response.

Kabilang dito ang access sa pondo at pagbibigay ng mahahalagang serbisyo gaya ng healthcare, shelter at pagkain nang hindi naaantala.