Ikinagulat ng koponang Terrafirma Dyip ang ginawang anunsiyo ni Filipino-German player Christian Standhardinger.
Sinabi ni Dyip team governor Bobby Rosales, na ipinagpaalam ng 6-foot-8 sa kanila na ikinabigla nila.
Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang pagsisimula ng PBA Commissioners Cup kung saan tinalo sila ng Converge 116-87.
Umabot lamang sa anim na laro ng 35-anyos na si Standhardinger sa Governors Cup dahil sa injury nito sa tuhod.
Mula sa Barangay Ginebra ay nai-trade siya sa Terrafirma kasama niya sa Stanley Pringle kapalit nina Stephen Holt, Isaac Go at ang Dyips na number 3 overall pick sa 2024 PBA Draft.
May average siya na 16.33 points sa 53.5 percent shooting kasama na ang 8.6 rebounds.
Naging top 2017 PBA overall rookie pick siya ng Ginebra.