-- Advertisements --

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang career, pinangalanan ng PBA si Stanley Pringle ng Barangay Ginebra bilang Best Player of the Conference ng liga.

Ito’y makaraang pangunahan ni Pringle ang Gin Kings tungo sa kauna-unahan nilang kampeonato sa PBA Philippine Cup mula noong 2007.

Si Pringle din ang nanguna sa Elite Five ng season, kasama nina Matthew Wright at Calvin Abueva ng Phoenix Super LPG, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, at Poy Erram ng TNT.

Ang PBA veteran din ang ikaapat na Ginebra player na kinilala sa special awards ceremony, sunod kina Scottie Thompson, Prince Caperal at Aguilar.

Iginawad kay Thompson ang Samboy Lim Sportsmanship Award, habang itinanghal naman si Caperal bilang Most Improved Player ng bubble season.

Samantala, si Aaron Black ng Meralco ang nakasungkit ng Outstanding Rookie award.

“I think all the players are deserving,” wika ni Pringle.

“I always believe that you shouldn’t really look at stats, unless it’s turnovers or field goal percentage,” dagdag nito. “So I haven’t been looking at my stats.”

“But as for the award, your teammates are going to put you in a position to win, so it’s as much their award as yours. Shoutout to my teammates. Without them, it wouldn’t be possible.”