-- Advertisements --
staples center bryant kobe
Staples Center

Tinanggal na ng mga namumuno sa Staples Center ang maraming mga bulaklak at ilang mga pagkilala para kay Kobe Bryant.

Sinabi ni Staples Center President Lee Zediman, na ilang mga kagamitan ay ibibigay sa asawa at kaanak ng nasawing Los Angeles Lakers star.

Mula kasi ng pumanaw ang 41-anyos na NBA star kasama ang anak at iba pa ay maraming mga fans ang nagtungo sa Staples center ang homecourt ng Lakers para mag-alay ng dasal at pagkilala sa pumanaw na si Bryant.

Umabot aniya sa mahigit 1,350 na basketball ang kanilang naipon puwera pa aniya ang mga basketball jersey, rosas, kandila at iba pa.

Halos araw-araw aniya ay maraming mga dumarating na fans para magbigay ng alay.

Hinikayat na lamang ng maybahay ni Bryant na si Vanessa na mag-donate na lamang ang mga fans sa kanilang foundation imbes na magdala pa ng mga regalo at rosas.