-- Advertisements --

Naging matagumpay ang paglipad ng star-studded crew ng New Shepard capsule.

Ang nasabing Blue Origin crew ay kinabibilangan ng singer na si Katy Perry makakasama niya sina Lauren Sanchez ang fiancee ni Jeff Bezos ang may-ari ng Blue Origin, CBS presenter Gayle King, dating NASA rocket scientist Aisha Bowe, civil rights activist Amanda Nguyen,at film producer Kerianne Flynn.

Tumagal ang flight ng 11 minuto kung saan umabot ng 60 milya sa ibabawa ng mundo ang taas ng nasabing rocket.

Pagkalapag ng capsule kung saan nakasakay ang lahat ng babaeng crew ay hinalikan nila ang lupa.

Bawat crew ay may kaniya-kaniyang kuwento kung saan si Perry ay kumanta ng “What A Wonderful World” habang ito ay nasa kalawakan, habang si Sanchez ay may dalang device na kumulekta ng mga information gaya ng tunog at kung ano ang makikita sa kalawakan.

Ayon naman kay King na hindi pa niya matatawag ang sarili bilang astronaut dahil sa marami pang pagdadaanan bago matawag.

May dala naman na “Zero G” indicator bracelet ang activist na si Nguyen kung saan ang flight ay para sa paggaling niya na kaniyang suot noong nangyari ang pag-atake sa kaniya.

Bagamat hindi binanggit ng Blue Origin kung magkano ang binayaran ng mga pasahero ang kanilang kakumpetensiya na Virgin Galactic ay nagsabi na ang tickets ay nagkakahalaga ng mula $250,000 hanggang $450,000.

Mayroon ng inilipad ang Blue Origin na ibang guest noong gaya nina Wally Funk na kasama noon ni Bezos noong 2021.