-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si Obi Ndefo sa edad na 51.

Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na babae na si Nkem Ndefo sa pamamagitan ng kaniyang social media account.

Hindi naman na binanggit nito ang sanhi ng kamatayan ng kapatid.

Nagsimula ang Hollywood career ng actor noong dekada 90 ng makasama ito sa pelikulang “Star Trek: Voyager” , “3rd Rock From the Sun” at “Angel”.

Nakilala siya sa TV series na “Dawson’s Creek” kung saan gumanap siya bilang si Bodie Wells.

Taong 2019 ng maputol ang dalawang binti nito ng sagasaan ito ng kotse habang nag-aayos ng grocery.

Mula noon ay nakaranas ang actor ng depression.

Gumawa ito ng podcast para maiwasan ang anumang negatibong dulot ng depression.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga nakasama niya sa pelikula at maging sa mga fans nito.