Naitala ng actor na si William Shatner ang record bilang pinakamatandang tao na nakabiyahe sa kalawakan.
Sumakay ang 90-anyos na “Star Trek” actor sa Blue Origin ni Jeff Bezos kasama nito sina Chris Boshulzen ang co-founder ng Planet Labs na isang satellite company, software executive Glen de Vries at Audrey Powers ang vice president of mission at flight operations ng Blue Origin.
Umabot sa 11 minuto ang paglipad ng New Shepard NS-18 flights bago tuluyang humiwalay ang booster nito mula sa capsule na lulan ang grupo ni Shepard.
Lumagpas ang New Shepard flight sa Karman Line ang kinikilalang boundary ng kalawakan.
Sinalubong mismo ni Bezos ang grupo ng actor kung saan sinabi ni Shatner na hindi nito maipaliwanag ang saya na kaniyang naramdaman ng lumipad sila sa kalawakan.
Magugunitang noong Hulyo ay personal na sumakay ang bilyonaryong si Bezos sa kaniyang Blue Origin at ito ay lumipad sa kalawakan.