-- Advertisements --
image 347

Ibinunyag ni Senador Francis Tolentino na pinaputukan ng dalawang hindi kilalang gunmen ang pangunahing saksi sa kaso ng inabusong kasambahay na si Elvie Vergara sa Occidental Mindoro.

Sinabi ni Tolentino na puwersahang pinasok ng dalawang lalaking nakasuot ng bonnet ang tirahan ng star witness na si ‘Alias Dodong’ sa Munisipyo ng Paluan bandang 8:40 ng gabi.

Sinabi ni Tolentino na hindi nasaktan si ‘Alias Dodong’ sa pag-atake.

Nakipag-coordinate aniya siya kay General Joel Doria, PNP Regional Director 4B noong alas-9 ng gabi kagabi at tiniyak ang kalagayan ni Dodong.

Kinondena ni Tolentino, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Vergara, ang tangkang pagpatay kay ‘Alyas Dodong.