Matagumpay na inilunsad ng American Boeing company ang kanilang Starliner capsule sa International Space Station (ISS).
Lulan ito ng dalawang NASA astronauts na sina Butch Wilmore at Suni Williams.
Ito ang unang pagkakataon na pinagkatiwalaan ang Starliner na magdala ng tao sa kalawakan.
Ang dalawang astronauts ay mananatili sa orbit ng isang araw bago pumasok sa International Space Station.
Lumipad ang nasabing capsule mula sa Cape Canaveral Space Force Station sa Florida na ito ay ikinabit sa United Launch Alliance Atlas rocket.
Magugunitang noong 2019 na ang unang capsule ng uncrewed test flight ay nagkaroon ng software errors kaya napilitan na hindi ituloy ang mission.
Sakaling magtagumpay ang Starliner ay makakasama nila ang SpaceX Dragon capsule na magdadala ng mga astronauts na magsisimula ngayong taon.