-- Advertisements --

Nakataas pa rin sa ikatlong alarm ang sunog sa Starmall Alabang sa Muntinlupa City.

Nagsimula ito pasado alas-kuwatro ng umaga ng Sabado kung saan nagtulong-tulong ang mga bumbero mula sa karatig bayan ng lungsod.

Nasa mahigit tatlong oras na ngayon ang sunog ay hindi pa rin ito tuluyang naaapula ng Bureau of Protection dahil sa malaking pagkalat na ng apoy.

Nahirapan din ang mga bumbero sa pag-apula ng sunog dahil sa makapal na usok sa lugar.

Kasaluluyan pa ring inaalam ng BFP ang sanhi naman ng nasabing sunog.