Pormal nang sinampahan ng kasong kriminal ng Makati City Police ang young actor na si Migo Adecer.
Ito’y kaugnay sa paggamit ng 19-year-old actor ng pekeng lisensiya na paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o falsification by private individuals and use of falsified documents.
Una nang lumusot sa ilang kaso si Adecer kasunod ng pag-public apology nito sa na-hit and run na dalawang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority, sa Lungsod ng Makati, kaya hindi na itinuloy ang demanda.
Gayunman, maging ang Land Transportation Office (LTO) ay iniulat na ang ibinigay na driver’s license ni Adecer ay nasa ilalim ng pangalang Lerwin Estanislao base sa kanilang database.
“After obtaining documents from PNP. LTO will conduct its own investigation and act accordingly,” ani LTO spokesperson Weng Ocfemia sa isang panayam.
Nabatid na bago pa man ang hit and run incident ay nakumpiska na raw ng traffic enforer ang lisensiya ng nasabing aktor dahil naman sa reckless driving sa bahagi pa rin ng Makati City.