Magkakaiba-iba ang pananaw ng mga NBA analysts sa kung sino ang posibleng maglalaro sa startin-5 ng Team USA sa 5×5 Men’s basketball sa Paris Olympics.
Binubuo kasi ang naturnag koponan ng pinakamagagaling na NBA players katulad nina Lebron James, Stephen Curry, Kevin Durant, at Kawhi Leonard at iba pang mga magagaling na atleta.
Marami sa mga NBA analysts ang nagbigay na ng kanilang listahan para sa starting five kung saan ilan sa mga naging salik na pinagbasehan ay ang edad ng mga players, flexibility sa posisyon, NBA record, at ang chemistry sa pagitan ng mga ito.
Kabilang sa mga paboritong mauuna sa court at bubuo sa starting 5 ay ang dalawang 4-time NBA champion na sina Lebron James at Stephen Curry na matagal na panahong magkaribal sa mga Finals games. Maaaring maglaro si Lebron bilang power forward at point guard naman si Steph.
Sunod sa dalawa ay ang dalawang bigman na sina Kevin Durant at Joel Embiid. Si Durant ay 2-time NBA champion ngunit sa kasalukuyan ay dumaranas ng pananakit sa kanyang binti. Dati ring kinurunahan si Embiid bilang MVP.
Kung makakasali ang dalawa sa starting 5, maaaring maglaro bilang sentro si Durant habang forward si Embiid.
Bilang pupuno sa nalalabing shooting guard, inirerekomenda ng ilang mga analysts na pupunan ito ng bagitong si Anthony Edwards o Jayson tatum na bagong NBA Champion. Isa rin si Kawhi Leonard na maari umanong ipalit sa mga naunang players.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang training camp ng team USA kasama ang mga magagaling na NBA players sa pangunguna ni head coach Steve Kerr.
Isa sa mga ginagawa ng koponan ay ang team scrimmage kung saan ay inihaharap ang mga ito sa kanilang kapwa magagaling na NBA players ngunit hindi bahagi ngopisyal na delegasyon sa Paris Olympics.