ROXAS CITY – Nanawagan ang grupong Anakpawis sa pamahalaan na ideklara na ang state of calamity sa lalawigan ng Capiz para matulungan ang mga magsasakang apektado sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Angelo Orence, coordinator ng Anakpawis, sinabi nitong ilang bayan sa lalawigan ang apektado ng dry spell kung saan 70-80 porsyento ng kanilang palayan ang tigang na ang lupa.
Ayon kay Orence, malaki ang maitutulong ng pondong inilaan sa mga apektadong magsasaka na hindi na halos makakain at makabayad sa mga financier na kanilang inuutangan.
Ikinalungkot pa ng mga magsasaka ang sinabi ng PAGASA na posibleng sa buwan pa ng Agosto uulan.
Samantala hinamon ni Orence ang mga opisyal ng gobyerno, maging ang mga tumatakbong mga kandidato, na ipakita ang kanilang concern sa mga magsasaka sa pamamagitan sa pagtulong sa mga ito.