-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isina-ilalim na sa state of calamity ang buong bayan ng General Luna sa probinsiya sa Surigao Del Norte dahil sa epektong hatid sa masamang panahon kungsaan sa ngayon ay umiiral ang Low Pressure Area o LPA.

Ito ang lumabas a disesyon sa ginawang special emergency session sa nakaraang araw kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC sa General Luna .

Sa nasabing pulong, nirekomenda ni MDRRMC chairperson Mayor Sol F. Matugas ang pagpasa ng resolusyong pagdeklara ng state of calamity kungsaan daling ina-aprubahan naman ng Sangguniang Bayan. Base sa situational report, lima sa 19 na barangays sa nasabing municipalidad ang napuruhan sa pagbaha na hatid sa walang tigil na ulan.

Ito ay ang Barangay Corazon, Poblacion 2, Poblacion 3, Suyangan og La Januza.

Una nang nagdeklara ng state of Calamity ang Barangay Corazon na binaha simula pa noong Disyembre 2022.