-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Lasam, Cagayan dahil sa maraming na kaso ng dengue sa lugar.

Ayon kay Mayor Dexter Agatep ng Lasam, umabot na sa mahigit 50 ang tinamaan ng dengue mula noong buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

Bagamat wala namang binawian ng buhay, sinabi ni Agatep na ikinaalarma nito ang pagtaas na bilang ng kaso ng dengue kaya hiniling niya sa sanguniang bayan members na magpasa ng resolusyon na naglalayong ideklara ang state of calamity sakanilang bayan.

Aniya, isa sa kanyang nakikitang dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue ay ang nakatiwangwang na fishpond na naipunan ng tubig maging ang mga babuyan na hindi nalilinisan.

Dahil dito, inatasan na ng alkalde ang mga brgy officials, PNP at BFP-Lasam na maglinis para hindi na madagdagan pa ang kaso ng dengue sa kanilang lugar.