-- Advertisements --
image 497

Nakasailalim na rin sa state of calamity ang buong bayan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga dahil sa walang tigil na pag-ulan at pag-apaw ng tubig mula sa Pampanga River.

Bunsod nito, lubog sa baha ngayon ang lahat ng 14 na mga barangay sa naturang bayan.

Umaabot naman sa mahigit 18,000 mga residente ang apektado ng nararanasang baha na abot tuhod na sa naturang bayan.

Ang bayan ng San Simon ang isa sa catch basin municipalities sa ikaapat na distrito ng Pampanga kayat ito ang unang bayan na tinatamaan ng matinding baha kapag umaapaw ang Pampanga river.

Sa buong lalawigan naman ng Pampanga, may ilang mga kalsada ang hindi madaanan dahil lubog sa baha.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management office ng Pampanga, nasa 275 pamilya dito o 1000 indibdiwal ang inilikas naman na sa mga evacuation centers.