TACLOBAN CITY – Idineklara na ang state of calamity sa probinsiya ng Southern Leyte dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lugar.
Ayon kay Danilo Atienza, Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer (PDRRMO) ng Southern Leyte, ang dahilan ng naturang deklarasyon ang pagkaalarma ng probinsiya sa pagtaas ng dengue cases kung saan umabot na sa 200 ang kaso sa lahat ng munisipalidad at isang syudad sa Southern Leyte.
Dahil sa naturang deklarasyon magagamit na ang quick response fund ng probinsiya sa pagbili ng mg kakailanganin sa anti-dengue drive.
Patuloy naman ang pagbibigay ng babala ng provincial government at ang ginagawang aksiyon para mapigilan an pagtaas ng kaso ng dengue sa buong probinsiya.
Una nang nagdeklara ng state of calamity ang ilan pang probinsiya at syudad sa rehiyon.