Idineklara na ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang state of calamity sa 8 bayan dahil sa oil spill mula sa lumubog na MT Terranova sa Bataan.
Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, kumalat na ang tumagas na langis sa mga baybayin dagat ng lalawigan partikular na sa munisipalidad ng Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate.
Maliban dito, inanunsiyo din ng Gobernador na magpapaupad ang provincial government ng ‘no catch zone’ sa lahat ng shellfish sa bisinidad ng mga baybayin sa mga apektadong lugar.
Kasalukuyang nagpupulong naman ang Cavite government para sa agarang paghahatid ng relief goods para sa 25,000 na apektadong mangingisda sa lalawigan.
Samantala, nakatuon naman ang Philippine Coast Guard sa pagtugon sa oil spill at nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Wala pang komento sa ngayon ang ahensiya para sa posibleng pagbibigay ng kompensasyon ng ship owner ng lumubog na MT Terranova na nagresulta ng malawakang oil spill sa bahagi ng karagatan sa Bataan at karatig na probinsiya tulad ng Cavite.