NAGA CITY – Nagdeklara na ng state of calamity ang lalawigan ng Goa Camarines Sur dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng dengue sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Rado Naga kay Kagawad Hanna Broqueza, sinabi nitong umabot na sa 300 ang nairehistrong may sakit na dengue at lima naman ang namatay.
Ayon kay Broqueza, bigla umanong tumaas ang bilang ng kaso ng mga nairehistrong may sakit na dengue simula sa buwan ng Marso hanggang ngayon.
Pinaka-nakikitang rason ayon kay Brogueza ang maduming kapaligiran sa mga barangay sa lungsod ng Goa.
Ayon pa dito, sa 34 na mga barangay sa Goa, tatlo ang mga barangay na may pinakamataas na kaso ng dengue.
Ito ay ang Barangay Bagong Bayan Pequinia, Matacla, Asin San Binito.
Sa kabila nito ayon kay Broqueza, patuloy ang gingawan nilang search and destroy operation para mabawasan ang pagdami ng kaso ng may sakit na dengue.
Gayunman, nagkaroon naman umano ng house to house campaign ang mga baranggay official tungkol sa pagsira sa mga nasabing tinitirahan ng lamok.
Panawagan naman ng konsehala na patuloy na makipag-ugnayan sa mga isinasagawang paglilinis sa lugar para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue.