ILOILO CITY-Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Hamtic sa Probinsya sang Antique dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Aftican Swine Fever.
Kasunod ng deklarasyon, nag-isyu si Hamtic, Antique Mayor Julius Ronald “JunJun” Pacificador ng Executive Order No. 36 Series of 2023 na nag-uutos sa lahat ng barangay officials na magpatuman ng mahigpit na mga hakbang upang mapigil ang pagkalat pa ng African Swine Fever.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Antique Governor Rhodora Cadiao,sinabi nito na umabot na sa mahigit 11 million ang halaga ng mahigit sa 1,300 na mga namatay na mga baboy samahigit 20 mga barangay kung saan higit-kumulang 9,000 ang hog population.
Hiniling din nito sa lahat ng mamamayan na sumunod sa mga protocols upang matulungan ang hog industry sa nasabing bayan.