LAOAG CITY – Inaprubahan ng Sang. Panlalawigan ang draft provincial resolution para sa deklarasyon ng State of Calamity sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa Bagyo Egay.
Ayon kay Philippine Councilors League National President Handy Lao, inaprubahan nila ang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa epekto ng bagyo kung saan marami na ang nasira.
Inihayag nito na matapos ang deklarasyon, magagamit na ang calamity fund para sa pagtulong sa mga residente at pag-aayos ng mga nasira.
Samantala, inihayag naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office dito sa Ilocos Norte na aabot na sa 202 na mailya ang apektado o 661 na indibiduwal.
Ang mga apektadong pamilya ay mula sa bayan ng Bangui, Badoc, Bacarra, Pagudpud, Banna, Adams, Piddig, Solsona, Burgos, Paoay at lungsod ng Laoag at Batac.
Maliban dito, inilakas rin nga pitong manggagawa na residente sa Narvacan Ilocos Sur at sa ngayon ay nasa Evacuation Center sa bayan ng Bangui.
May nasira rin na tatlong bahay sa Barangay Saud sa bayan ng Pagudpud at isa naman sa Barangay Pancian sa nasabi ring bayan.